Manila

Philippines

Pilipino ka ba? Mula Luzon, Visayas, at Mindanao, tara na at sumali sa pinakamalaki at pinakamasayang hackathon sa sangkalawakan! Makibahagi sa paglutas ng mga hamon na ikinakaharap natin sa mundong ito at sa kalawakan gamit ang makabagong teknolohiya at agham.

Pinoy developers gather together to address real-world problems on Earth and space using NASA's free and open source data.JPG

Ano ba ang Space Apps?

Ngayon sa ika-9 taon, isang pangdaigdigang hackathon ang Space Apps para sa mga coder, siyentipiko, taga-disenyo, mananalaysay, tagagawa, tagabuo, teknolohista, at iba pa sa buong mundo, kung saan nakikipag-ugnayan ang mga pangkat sa malaya at bukas na data ng National Aeronautics and Space Administration upang tugunan ang mga makatotohanang suliranin sa Daigdig at kalawakan. Kasama sa 2019 ng Space Apps ang mahigit sa 29,000 na mga kalahok mula sa 71 na mga bansa. Nitong Mayo 2020, natapos ang virtual-lamang na Space Apps COVID-19 Challenge sa mahigit na 15,000 na mga kalahok mula sa 150 na mga bansa. Pinapangunahan ng NASA ang Space Apps na pinangangasiwaan ng Booz Allen Hamilton, Mindgrub, SecondMuse, at ang NASA Open Innovation Applied Sciences Program.

Bunsod ng pandemyang COVID-19 at sa kapakanan ng kalusugan at kaligtasan ng ating pandaigdigang pamayanan, gumawa ng mahirap na pasya ang NASA na gawin ang hackathon ngayong taon na isang pangkalahatang-virtual na kaganapan. (maililipat online ang lahat ng kaganapan.) Ang ating paksa para sa kaganapan sa taong ito - "Kilos Na" - ay isang mahalagang paalala na maaari kang gumawa ng pagbabago, kahit na mula sa maginhawa at ligtas na tahanan.

NASA data and resources are used to solve real-world problems on Earth and space.JPG

Kailangan ng mundo ang kaalaman mo

Binibigyan ka ng pagkakataon ng Space Apps upang makapagbigay-buhay sa mga proyekto para sa samu't-saring mga aplikasyon. Inaasahan naming makita kung anong makabagong, malikhaing kaalaman ang dadalhin mo sa lipunan ngayong taon.

Pagkakataon ang Space Apps na makaranas, pag-eksperimentuhan, at tuklasin mo ang mga kasagutan sa mga pinakamalaking hamon ng ating sansinukob!

Rizal Park

Ano ba ang Space Apps Challenge?

Buhat noong nag-umpisa ito noong 2012, naging pinakamalaking pandaigdigang hackathon sa mundo ang International Space Apps Challenge ng NASA, na hinihikayat ang libu-libong mamamayan sa buong mundo na gamitin ang malayang data ng NASA upang bumuo ng mga makabagong paglutas sa mga hamong kinakaharap natin sa Daigdig at kalawakan.

Binibigyang-inspirasyon ng Space Apps ang mga maliliit na pamayanan upang magkaisa, mag-isip nang mabuti, at lumikha ng mga sagot sa mga mahahalagang suliranin. Bawat taon, hinihikayat ng Space Apps ang libu-libong katao sa buong mundo upang gamitin ang open source data ng NASA sa isang 48-oras na paligsahan. Nagtutulungan ang mga pangkat ng mga teknolohista, siyentipiko, taga-disenyo, mangangalakal, alagad ng sining, at iba pa upang sagutin ang ilan sa mga pinakamabibigat na hamon sa Daigdig at kalawakan.

Philippine hackathon

2019 Philippines

Paano ba ginaganap ang Space Apps?

Sa isang weekend kada taon, sabay-sabay na ginaganap sa buong mundo ang isang 48 na oras na sprint kung saan sinusubukang lutasin ng mga kalahok ang mga hamong inimungkahi ng NASA, paglikha ng mga laro, smartphone at computer na mga app, video, kagamitan sa pagtuturo, at marami pang iba.

Noong Mayo 30-31, 2020, nagsama-sama ang NASA, ESA, JAXA, CSA, at CNES sa pandaigdigang pamayanan ng Space Apps upang mag-anyaya sa isang natatanging, pangkalahatang-virtual na hackathon: ang Space Apps COVID-19 Challenge. Sa panahong ito ng kawalan ng katiyakan, tinugunan ng mga kalahok mula sa buong mundo ang mga may kinalaman sa pandemyang COVID-19.

Nagbabago-bago ang mga hamon kada taon sa ilalim ng temang Daigdig at kalawakan. Narito ang ilan sa mga pinakasikat na hamon noong 2019 kung saan kasama ang ilang paksa gaya ng pagtaas ng antas ng dagat sa Daigdig, sa pagdidisenyo ng pangmatagalang mga misyon sa Venus at Mars.

Pinoy mentors during the hackathon.Top Michael Lance M. Domagas, Elymar Apao, and Janyl Tamayo. Middle Chi SeƱires, Aldrich Tan, and Andresito de Guzman. Bottom Dominic Vincent D. Ligot.png

Sino at bakit?

Sino ba ang dapat makilahok sa Space Apps?

Pupuwede ang lahat sa Space Apps. Gusto ng mga karaniwang lumalahok sa Space Apps ang agham pangkalawakan at pagsasaliksik, pagiging malikhain mo, at pagkanais mong lutasin ang mga suliranin. Higit sa 29,000 na katao mula sa 71 na mga bansa sa buong mundo ang lumahok noong 2019 na International Space Apps Challenge. Nitong Mayo, natapos ang virtual-lamang na Space Apps COVID-19 Challenge na humigit sa 15,000 na kalahok mula sa 150 na mga bansa.

Binubuo ang Space Apps ng pakikipagkapit-bisig. Bilang kabahagi ng Space Apps, kasama ka sa isang pandaigdigang samahang hackathon tampok ang pakikipagtulungang aabot hanggang sa laylayan, kalipunan, at kalinangan upang makamit ng pagbabagong ganap.

Top 2019 winner Dominic Vincent Ligot, Nick Tobia from G.I.D.E.O.N., and Harlee Quizzagan from Sentinellium. Bottom Lead organizer Michael Lance M. Domagas, and Arturo Caronongan III from .png

Bakit ginaganap ng NASA ang Space Apps?

Ipinapakilala ang mga tagapagpalutas ng mga suliranin sa buong mundo ng Space Apps sa malaya at bukas na data ng NASA. Ang mga misyon ng NASA sa Daigdig, ating Araw at sistemang solar, at sa labas patungo sa sansinukob - pinagtitipon-tipon ang lahat ng data sa paghahangad ng bagong kaalaman, upang mapalawak ang ating pagkakaunawa sa pamamagitan ng mga bagong tuklas na pang-agham, at upang tulungan tayong mapabuti ang buhay sa Daigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng data ng NASA upang malutas ang mga hamon bawat taon, natututo ang mga koponan ng Space Apps hinggil sa data ng NASA, at ibahagi sa paglikha at paggamit ng kaalaman na may kabuluhan.

Binibigyang-inspirasyon ng Space Apps ang pakikipagtulungan, pagkamalikhain, at pag-iisip ng mabuti, paghikayat na magkaroon ng interes sa Daigdig at agham pangkalawakan at pananaliksik, at hinihikayat ang paglago at pagkakasari-sari sa susunod na salinlahi ng mga siyentipiko, teknolohista, taga-disenyo at inhinyero. Pinapangasiwaan ng Earth Science Division, Science Mission Directorate, ang Space Apps doon sa Punong Himpilan ng NASA sa may Washington, DC.

Pinapangunahan ng NASA ang Space Apps na pinangangasiwaan ng Booz Allen Hamilton, Mindgrub, SecondMuse, at ang NASA Open Innovation Applied Sciences Program.

Project AEDES

Mga hamon

Sumaliksik

Mahalaga ang pananaliksik sa paglikom ng pang-agham at teknikal na kaalamang kinakailangan upang kumilos. Ang mga teknolohiyang galing sa kalawakan, lalo na ang mga satellite na nagmamasid sa Daigdig, ay nagbibigay sa atin ng higit na pag-unawa hinggil sa Daigdig, at nagbibigay-daan sa ating umusisa sa kaibuturan ng kalawakan. Lumikha ng mga bagay-bagay upang gawing mas madali ang paggamit ang mga observation data para sa mga siyentipiko, gumagawa ng pasya, at pamanayan.

Ipaalam

Upang makagawa ng tamang pagpapasya, kinakailangang batid natin ang pangkalahatan. Hindi lang pinagtitipon-tipon ng NASA, CSA, CNES, at JAXA ang data na galing sa kalawakan, ngunit pinagsama-sama din nila ang mga nakaimbak na data at nagbabahagi rin ng pagsusuri at mga bunga sa mga tagapasya, siyentipiko, at/o mas malawak na pamayanan. Pagmasdan ang data ng mga ahensyang pangkalawakan ng may bagong paningin. Bumuo ng mga angkop na pamamaraan upang hikayatin ang iba tungkol sa pang-agham at makasaysayang kaalaman.

Panatilihin

Ipinakita ng mga pagsulong sa paggalugad ng kalawakan at pandaigdigang agham ang kahalagahan ng pagbuo ng isang napananatiling hinaharap. Ano ba ang kaya nating gawin upang panatilihin ang ating tahanang planeta, upang makapagbigay-buhay ito para sa mga susunod na salinlahi? At paano natin papanatilihing buhay ang mga tao sa malulupit na lagay ng kalawakan?

Lumikha

Nasa puso ng pagbabago ang paglikha. Likhang sining man, hardware, o isang bagong teknolohiya, mag-isip, bumuo, at lumikha ka ng kamalayan.

Harapin

Mula sa mga sakunang likas hanggang sa mga hindi magkakapantay na antas sa lipunan at ekonomiya, darating ang panahon na dapat nating tuusin ang mga suliraning napapansin natin. Harapin ang bawat hamon sa pampook, pambansa, at/o pandaigdigang antas. Paano magsisilbing kasangkapan ang teknolohiya para sa pagbabago?

Ugnayin

Nagbibigay-lakas sa atin ang pakikipag-ugnayan upang kumilos ng magkakasama. Suriin ang mga pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa bawat isa, at suriin ang iba't-ibang uri ng mga tao at kaalamang nag-aambag sa mga misyon ng mga ahensyang pangkalawakan sa Daigdig at kalawakan.

Winners visit the Philippine Earth Data Resource and Observation (PEDRO) Center at the DOST-Advanced Science and Technology Institute in Diliman, Quezon City with Dr. Joel Joseph S. Marciano, Jr.jpg

Government

Collaborators

Communities

Register in these locations if you are from Central Luzon or Northern Luzon.

Philippine Flag

Schedule (All times Asia/Manila)

Friday, October 2nd
  1. Welcome ceremony

  2. Team formation - for those who are still looking for team mates

  3. Evening consultations

Saturday, October 3rd
  1. Coding start and briefing/morning consultations

  2. Afternoon consultations

  3. Evening consultations

Sunday, October 4th
  1. Morning consultations

  2. Pitch and feedback session

  3. Closing and final reminders

  4. Submission deadline